Pumayag si OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez, na iwanan muna siya ng Bise Presidente sa Veterans Memorial Medical Center.
Sa bulletin na inilabas ng pangalawang pangulo, pumayag si Atty. Lopez na makauwi siya at makasama ang kanyang pamilya.
Pansamantalang papalit sa kanya sa pagbabantay si Senator Bong Go hanggang makabalik ang Bise Presidente mamayang gabi.
Nagpunta ang Senador kagabi sa ospital para bisitahin si Atty. Lopez. Nagpalipas din ng gabi sa ospital si Senator Bato Dela Rosa kasama si VP Sara na nagbabantay sa kanyang Chief of Staff. | ulat ni Rey Ferrer