Bureau of Customs, tiniyak ang komitment ng ahensya na protektahan ang borders ng bansa laban sa mga smugglers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Customs Spokesman Assistant Commissoner Vincent Philip Maronilla ang komitment ng ahensya upang protektahan ang bansa laban sa smuggling ng agricultural products.

Sa ambush interview sa Manila International Container Port o MICP, sinabi ni Maronilla na mahalaga ang ginawa ngayon inspection ng pangulo sa mga nakumpiskang mga smuggled na frozen fish.

Aniya, dahil sa batas na Agricultural Economic Sabotage Act, mas nabigyan ng ngipin ang pagtugis nila sa mga smugglers.

Senyales anya ito na seryoso ang pamahalaan laban sa pagpupuslit ng nga ilegal na produkto.

Kaisa rin sila sa hangarin ng gobyerno na gawin mapababa ang presyong bilihin at gawing patas ang merkado para sa mga mamimiling Pilipino. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us