Binisita ni Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara ang iba’t ibang lugar at paaralan sa lalawigan ng Camarines Sur upang kumustahin ang mga guro at mag-aaral na naapektuhan ng nagdaang mga kalamidad.
Pinangunahan din ng kalihim ang inaugurasyon ng Camarines Sur School Division Office Learning and Development Center sa Del Rosario, Pili, at personal na binisita ang mga paaralan sa lalawigan, kabilang ang Rodriguez National High School, Gainza Central School, Minalabac National High School, at Bula Central School.
Nagpasalamat si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte kay Angara sa inihandog na mga tablet, laptop, at cash donations para sa mga taga-Camarines Sur.
Samantala, nagpasalamat din ang gobernador sa UNICEF at USAID sa ibinigay na teachers’ kit at students’ kit na malaking tulong, aniya, sa mga guro at mag-aaral upang mapalitan ang mga nasirang gamit dahil sa nagdaang mga bagyo. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga