Gabay para sa ligtas na paggamit ng fireworks at pyrotechnics ngayong holiday season, inilabas ng QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng gabay ang Quezon City Government para sa ligtas na paggamit ng fireworks at pyrotechnics devices sa Lungsod Quezon.

Hangad ng lokal na pamahalaan ang isang ligtas na kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.

Paalala ng LGU ang mahigpit na pagbabawal sa mga pribadong kabahayan sa paggamit ng paputok at pagsasagawa ng fireworks display.

Pinapayagan lamang ang fireworks display sa public places na may valid permit at clearance mula sa Department of Public Order and Safety (DPOS) at Bureau of Fire Protections (BFP).

Kabilang dito ang mga barangay na pinapayagan na magkaroon ng community fireworks display zone.

Para naman sa mga negosyante, pinapayagan lamang silang makapagbenta ng paputok at pyrothecnics devices sa outdoor areas na pinapayagan ng DPOS.

Mahigpit na ipinagbabawal ng LGU ang pagbenta nito sa mga menor de edad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us