Dumaraming kaso ng HIV sa Caraga Region ikinabahala ni Dr. Annie P. Abordo-Dioso, Infectious Diseases Specialist ng DO Plaza Memorial Hospital sa Agusan del Sur, lalo na’t pabata ng pabata ang tinatamaan ng Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) – Caraga, dumarami na ang kaso ng mga menor de edad na HIV positive sa bilang na 594 sa mga nasa edad 15 to 24 years old.
Sa anim na mga siyudad sa rehiyon, naitala sa Butuan City ang pinakamataas na bilang ng kaso ng HIV sa 442 habang sa limang probinsya ng rehiyon, numero uno ang Agusan del Sur na mayroong 283 bagong kaso ng HIV.
Ayun pa rin kay Dr. Dioso, bagama’t bumababa na ang bilang nga mga kaso ng HIV sa buong mundo, tumaas naman ng 418 percent ang naitalang bagong kaso ng HIV sa Pilipinas sa nakalipas na sampung taon.| ulat ni Jocelyn Morano| RP1 Butuan