Bilang tugon sa mga natuklasang iregularidad sa paggamit ng confidential at intelligence fund ng Office of the Vice President at DEPED sa ilalim ni VP Sara Duterte, isang panukalang batas na maghihigpit sa paggamit at pag-audit ng confidential at intelligence fund ang inihain sa Kamara.
Pinangunahan ng House Blue Ribbon Committee ang paghahain ng House Bill 11192 o Confidential and Intelligence Funds Utilization and Accountability Act
Tutugunan anila nito ang kakulangan sa Joint Circular 2015-01 patungkol sa guidelines ng paggamit at liquidation ng confidential funds partikular ang mga isinusumiteng dokumento sa pinaggamitan nito.
Sa ilalim ng panukala tanging mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman at mandato sa national security, peace and order at intelligence gathering ang maaaring paglaanan ng CIF.
Ang halaga ng CIF ay hindi dapat hihigit sa 10 percent ng kabuuan nitong annual budget, maluban na lang kung papahintulutan ng batas.
Hindi maaari gamitin ang CIF sa operational expenses ng ahensya maliban na lang kung ito ay may kagunayan sa peace and order o intelligence gathering.
Lahat ng national agencies, local government units at government corporations ay aatasan na isumite ang report sa paggamit ng CIF sa COA para sa pagsusuri.
Ang summary ng pinaggamitan at halaga ng ginamit na pondo ay isasapubliko sa paraan na hindi makakasama sa national security o law enforcement oeprations.
Nakasaad din sa panukala na oras na isyuhan ito ng COA ng notice of disallowance ay mawawla ang confidentiality status at agad na ide-declassify.| ulat ni Kathleen Forbes