Partylist group, itinutulak ang panukalang batas para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng ng batas na Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng panukalang batas si Anakalusugan Partylist Rep. Rey Reyes upang tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng RA 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Layon ng HB 1187 na palakasin ang pagpapatupad ng batas, upang mabawasan ang mg aksidente sa kalsada.

Sa kanyang privilege speech sa plenaryo, sinabi ni Reyes na kabilang sa impact ng road traffic incident sa bansa ay nakapekto sa buhay ng pamilya at sa ekonomiya ng bansa.

Nakaaalarma na anya ang bilang ng mga casualties bunsod ng mga aksidente sa daan na nagdudulot ng pagkasayang ng buhay, at bilyon bilyong halaga ng resources ang nasasayang.

Hinikayat din nito ang kanyang mga kapwa mambabatas na bigyang daan ang kinabukasan ng bansa sa upang maiwasan ang mga aksidente sa daan dulot ng alak at illegal na droga.

Dagdag nito, pwedeng palakasin ang pagpapatupad ng kasalukuyang batas dahil ang hindi epektibong implementation ng anti drunk and drugged driving ay maituturing na public health issue. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us