Nakiisa si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa mga nanawagan na tangkilin ang mga pelikulang Pilipino na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) simula ngayong araw.
Ayon kay Estrada, mahalagang matulungan ang movie industry na muling makabangon at muling sumigla.
Sinabi ng senador na ang pagtangkilik sa mga kalahok sa MMFF ay malaking tulong para sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Matatandaang nagmula ang senador sa mundo ng showbiz kaya isa ito sa mga nagtataguyod ng kapakanan at pagpapahusay sa naturang industriya.
Una nang nanawagan si Senadora Imee Marcos na suportahan ang mga pelikula sa MMFF.
Giit ng mambabatas, ang MMFF ay pagkakataon para sa ating mga filmmaker na magpakitang gilas at itampok ang galing ng mga Pilipino.| ulat ni Nimfa Asuncion