Nananatili pa rin ang mataas na aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros Islands sa Visayas.
Ayon sa PHIVOLCS sa nakalipas na 24 na oras, nagbuga ng abo ang bulkan na tumagal ng higit isa at kalahating oras.
Nakapagtala rin ng 23 volcanic earthquake kabilang ang volcanic tremors na tumagal ng 4 hanggang 111 minuto ang haba.
Kahapon, abot sa 3,469 tonelada ng Sulfur Dioxide flux ang ibinuga ng bulkan at pagsingaw ng hanggang 500 metro ang taas.
Walang patid ang pagsingaw at panaka- nakang pag-abo ng bulkan na napapadpad sa Timog-Kanluran.
Nanatili pa ring nakataas sa ALERT LEVEL 3 ang Status ng bulkan at hindi isinasantabi ang muling pagputok nito.| ulat ni Rey Ferrer