Pinaalalahanan ng Manila Local Government Unit ang publiko ukol sa isasagawang road closure sa Linggo, Enero 19, mula 2:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng umaga, para sa Mapua Centennial Fun Run 2025.
Kasama sa mga apektadong kalsada ay ang Magallanes Drive sa harap ng Bureau of Immigration, West Bound ng Padre Burgos Avenue, at North Bound ng Bonifacio Drive.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa trapiko. | ulat ni EJ Lazaro