Tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa pag-rollout ng rice for all sa mga supermarket sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., patuloy ang koordinasyon ng iba’t ibang market chains sa Food Terminal Inc. para sa bentahan ng murang bigas.
Kasama na rito ang SM Supermarket, 7/11 at pati na Robinsons.
Ilan sa mga isinasapinal, ang usapin ng credit at logistics.
Target ng DA na masimulan ang bentahan ng rice for all sa mga supermarket sa Marso.
Una nang lumagda sa memorandum of agreement ang DA at MerryMart Grocery, para mapalakas ang Kadiwa ng Pangulo.
Kaugnay nito, tiniyak ng DA na magtutuloy-tuloy din ang pagpapalawak ng murang bigas sa 150 Kadiwa ng Pangulo sites sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa