Nagpunta si Cebu Mayor Michael Rama sa Supreme Court ngayong hapon para maghain ng petition for mandamus and prohibition.
Ito ay para makapaglabas agad ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction ang Supreme Court.
Ayon kay Mayor Michael Rama, nais nilang maresolba agad ang kaso lalo pa’t 2 taon na ang nakalipas nang i-file ang kasong nepotism laban sa kanya.
Sa ngayon kasi, hindi makapasok ang alkalde sa kanyang opisina at gulong-gulo ang mga residente dahil mistulang 2 ang mayor na nakaupo sa Cebu.
May mga proyekto na din anilang nakukumpormiso dahil sa kaso
Nag ugat ang kaso sa alkalde matapos mapirmahan ang isang dokumento para sa job order sa kamag anak ng kanyang asawa.
Paliwanag ng kampo ni Rama walang nepotism na nangyari dahil walang natatandaan at walang nakita ang alkalde na pinirmahan na ganung dokumento. | ulat ni DK Zarate