Muli na namang nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag basta-bastang maniniwala sa mga impormasyong nababasa online.
Kasunod ng kumalat na panibagong fake news na tungkol sa umano’y P3,400 cash assistance ng kagawaran para sa persons with disabilities (PWDs), unemployed citizens, at senior citizens.
Paglilinaw ng DSWD, walang ganitong klaseng programa ang kagawaran.
Gayunpaman, may mga programa ang DSWD na maaaring i-avail ng mga kwalipikadong benepisyaryo tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program at ang Social Pension Program para sa mga Indigent Senior Citizens.
Hinikayat ng DSWD ang publiko na huwag paniwalaan ang maling impormasyong ipinakalat ng website account na ito, https://nebio.in/monthly-payment-coming-in-the-philippines/#google_vignette.
Ugaliin din umanong kilatising mabuti at i-verify ang mga nababasa nang hindi basta-bastang maloloko. | ulat ni Merry Ann Bastasa