Dapat panatilihin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang transparency pagdating sa presyo ng tinapay upang maiwasan ang mga tiwaling traders at retailers na itaas ang presyo nito nang hindi makatwiran.
Ito ang pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian sa harap ng pagtaas ng presyo ng tinapay.
Hinimok ni Gatchalian ang DTI na mahigpit na imonitor ang presyo ng tinapay.
Dapat rin aniyang humanap ng paraan ang gobyerno upang ma-stabilize ang production cost, gaya ng pagtitiyak ng maaasahang suplay ng wheat at iba pang mahahalagang sangkap, gayundin ang pagbibigay ng nararapat na suporta para sa mga panadero.
Dinagdag rin ng senador na dapat maging masigasig ang pamahalaan sa paggawa ng mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya para sa mga ordinaryong Pilipinong consumer ang presyo ng tinapay. | ulat ni Nimfa Asuncion