Lumagda ang Pilipinas at Cambodia sa kasunduan upang palakasin ang ugnayan sa agrikultura partikular sa produksiyon ng bigas at iba pang kalakal.
Nilagdaan nina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Cambodia Minister of Agriculture, Forestry and Fisheries Dith Tina ang Memorandum of Understanding on Agricultural and Agribusiness Cooperation.
Nakapaloob sa MOU ang mas pinagandang kolaborasyon partikular sa agricultural planning, animal feed development, pagprotekta sa kalusugan ng mga hayop, pangangasiwa sa irigasyon, at agricultural marketing systems.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa na maghanap ng potensiyal na rice trade cooperation, alinsunod sa umiiral na na batas ng Pilipinas at Cambodia.
Ayon kay Secretary Tiu Laurel, unti-untimg magiging mahalagang trading partner ng Pilipinas ang Cambodia sa agrikultura partikular na sa industriya ng bigas. | ulat ni Diane Lear