Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero na hindi paiiralin ang sub judice rule sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang tinutukoy na sub judice rule ay ang pinapairal sa mga regular na korte na pagbabawal sa pagtalakay sa mga kasong nakabinbin sa korte para hindi maimpluwensyahan ang mga hukom sa paglilitis.
Paliwanag ni Escudero, isang political proces ang impechment trial at mga pulitiko ang nagpapasya dito.
Hindi rin naman aniya sa isang close-door session gagawin ang impechment trial kundi bukas ito sa publiko kaya malayang matalakay ng lahat.
Sa halip, pinaalalahanan muli ng senate president ang mga kapwa senador na magsisilbing mga impeachment judges na huwag nang magkomento tungkol sa merito ng kaso.
Ito aniya ay para matiyak na patas at kapani-paniwala ang magiging desisyon ng impeachment court. | ulat ni Nimfa Asuncion