Dinayo mismo ni Alyansa senatorial candidate at dating DILG Sec. Benhur Abalos ang mga OFW sa Hong Kong.

Dito kaniyang ipinaalala sa mga Filipino migrant workers na mayroon mang mga hamon sa buhay ay hindi sila dapat mawalan ng pag-asa.
Nangako rin si Abalos na sakaling palarin sa senado ay isusulong ang mga lehislasyon na makakatulong mapa-angat ang buhay ng bawat Pilipino sila man ay nasa bansa o tulad ng mga OFW na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat.
Ito ay bilang pagkilala na rin sa kanilang sakripisyo at ambag sa bayan.
Isa na n ga rito ang pag-alis sa VAT o value added tax sa singil sa kuryente upang makabawas sa gastusin.
“Uunahin ko ang pagpapababa ng kuryente sa bayan. Tayo ang pangalawa sa pinakamahal na kuryente. Kapag natanggal ang buwis diyan, bababa ang kuryente at dadami ang negosyo, dadami ang trabaho, at marami pang ibang benepisyo,” paliwanag niya.
Pinakinggan naman si Deputy Speaker Camille Villar, isa pa sa mga pambato ng Alyansa, ang hinaing ng mga Liga ng mga Barangay at iba pang lokal na opisyal ng Iloilo at Palawan.
Giit niya mahalaga na bigyang suporta ang mga barangay na siyang pinakaunang tagapaghatin ng serbisyong pangkalusugan at social services.
Gayundin ang pasusulong ng dagdag na benepisyo para sa mga barangay workers.
Muli rin niyan binigyang diin ang matagal na niyang mga adbokasyiya gaya ng paglika ng trabaho, hanapbuhay at pabahay at pagpapalakas sa karapatan at kapakanan ng kababaihan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng reproductive at maternal health.
“Noong pa man, isinusulong ko na mga batas na magtataguyod kabuhayan, magbibigay ng trabaho, magpapaabot ng pangarap na bahay para sa mga Filipino, ipagpapatuloy ko po yan,” ani Villar.
Bukas nakatakdang magtungo ang buong Alyansa, kasama si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pili Camarines Sur para mangampanya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes