Dadalhin na sa mga barangay sa Navotas ang bentahan ng murang bigas o P33 na kada kilong NFA rice.
Ito ay sa ilalim pa rin ng Food Security Emergency sa bigas kung saan walang limit ang maaaring bilhin ng mga residente.
Sa abiso ng LGU, sisimulan ngayong umaga ang bentahan ng murang bigas kung saan uunahin ang Bagumbayan North Barangay Hall.
Sunod itong iikot sa Bangkulasi Barangay Hall (Mar 19), San Roque Barangay Hall (Mar 20) at San Jose Barangay Hall (Mar 21).
Aarangkada ang bentahan mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa