Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kinatigan ng Department of Justice (DOJ) ang P5.7 bilyong tax evasion case na isinampa nito laban sa limang Chinese nationals na konektado sa isang malaking illegal na operasyon ng sigarilyo.
Ayon sa BIR, ipinasa na ng DOJ ang dalawang criminal informations kaugnay ng kaso sa Court of Tax Appeals (CTA) noong March 13, 2025.
Ang kasong ito ay parte ng pinakamalaking raid na ikinasa ng BIR laban sa mga illegal na sigarilyo noong 2024.

Ayon kay Commmissioner Lumagui, ang panalong ito ay patunay ng dedikasyon ng ahensya na mapanagot ang mga negosyanteng sangkot sa illegal na bentahan ng sigarilyo.
Sa ngayon, inihahada na aniya ng Court of Tax Appeals (CTA) ang mga Warrant of Arrest laban sa mga negosyante.
Matatandaan noong nakaraang buwan ay isinagawa ng BIR ang nationwide destruction nito ng mga illegal na sigarilyo kung saan aabot sa 14.3 milyong pakete ang winasak sa iba’t ibang destruction sites na itinalaga ng BIR. | ulatni Merry Ann Bastasa