Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na muling naglagay ng mga floating barrier ang China sa may bahagi ng Bajo de Masinloc.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ginawa ito ng China kapag may nakikitang presensya ng PCG, BFAR, o kapag maraming mangingisda sa Bajo de Masinloc.
Posibleng inilalagay ito ng China para hindi mapasok ng mangingisda ang nasabing karagatan.
Sa isinagawang Maritime Domain Awareness Flight ang Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nakita ang nasabing barrier.
26 na Filipino fishing vessel ang nakita sa Bajo de Masinloc na binigyan ng fuel subsidy at food item ng pamahalaan.
Namonitor din ng PCG ang apat na Chinese Maritime Militia vessels, 5 barko ng China Coast Guard, isang barko ng People’s Liberation Army Navy, at helicopter ng Air Force ng PLA
Hindi na lumapit ang nasabing helicopter sa aircraft ng BFAR dahil posibleng natuto na ito matapos mabatikos sa ginawang dangerous maneuvers noong nakaraang maritime domain awareness flight ng Pilipinas | ulat ni Don King Zarate