Patay ang Election Officer at kanyang asawa nito sa pananambang sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Del Norte, kaninang umaga.
Dahil dito nais maisailalim ng COMELEC ang nasabing lugar sa COMELEC Control.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia Wala pa aniyang motibo sa pagpaslang pero hindi na sila papayag na masundan pa ang nangyaring karahasan.
Sa ngayon ay ipinauubaya nila sa pulisya at militar ang aksyon sa insidente at hinihintay nila ang report ng mga ito ngayong araw. | ulat ni DK Zarate