Mariing itinanggi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang paratang ng China na nagsisilbing mouthpiece ng Estados Unidos ang Pilipinas.
Ginawa ni Defense Secretary Teodoro ang pahayag sa pulong balitaan kasama si US Secretary of Defense Pete Hegseth sa Kampo Aguinaldo.
Ayon kay Teodoro, ang bansa ay may sariling desisyon pagdating sa depensa at seguridad. Aniya limitado ang “worldview” ng China at hindi pumapatol ang Pilipinas sa anumang propaganda.
Pakinggan natin ang tinig ni Defense Secretary Teodoro
SOT – SEC. TEODORO: “We don’t practice propaganda in this country. We practice free speech and democracy. So the Philippines is not a mouthpiece, unlike they themselves, who are mouthpieces of Xi Jinping-thought.”
Dagdag pa niya, mananatili ang EDCA sites at lalo pang pauunlarin ang mga ito. Wala rin siyang kinumpirma o itinangging anumang deployment ng medium at long-range defense capabilities sa bansa.
Tiniyak din ni Teodoro na ang Armed Forces of the Philippines ay patuloy na magsasanay at magpapalakas ng kakayahan batay sa sariling pangangailangan nito. | ulat ni Diane Lear