Binisita ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang isla ng Siargao kasama ang ilang matataas na opisyal ng ahensya upang magsagawa ng inspeksyon sa mga pangunahing pasilidad ng transportasyon sa lugar.


Bahagi ang nasabing inspeksyon ng patuloy na pagpapalakas ng imprastraktura sa bansa, kung saan isinagawa ang masusing pagsusuri sa Jubang Cruise Ship Port sa Barangay Jubang, Dapa, Siargao Islands.

Maliban sa inspeksyon ng cruise ship port, sinuri rin ng grupo ng DOTr ang kalagayan ng airport facilities sa Siargao, na itinuturing na mahalagang bahagi sa patuloy na paglago ng turismo sa isla at buong rehiyon.
Kasama sa nasabing delegasyon sina PPA General Manager Jay Santiago, Undersecretary Atty. Giovanni Lopez, Undersecretary Capt. Jim Sydiongco, at ilang opisyales ng DOTr.
Ang inspeksyon sa Siargao ay bahagi ng mas malawak na serye ng DOTr site visits sa Mindanao. Bago ito, bumisita na rin ang grupo sa Tigtabon Community Port sa Zamboanga City, at sa Benoni at Balbagon Ports sa Camiguin Island. | ulat ni EJ Lazaro
PPA