Muling nagpaalala ang Department of Social Welfare and Devlopment (DSWD) at Bureau of Fire Protection (BFP) na mag-ingat sa sunog sa panahon ng fire prevention month.
Umapela ang dalawang ahensya sa gitna ng halos araw-araw na pagkakaroon ng sunog sa Metro Manila.
Batay sa listahan 3 Database ng DSWD- National Capital Region,
mula sa 136,427 poor households, kabuuang 6,201 o 4.55% ng mga bahay ay gawa sa light materials.
Hinihimok ang mga residente na magdoble-ingat upang maiwasan ang sunog.
Ugaliin umano na maging alisto sa mga bagay na maaaring maging sanhi nito.
Sa ulat ng BFP, mula kaninang umaga, nakapagtala na ng anim na kaso ng sunog sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR). | ulat ni Rey Ferrer