Inaasahang sa lalong madaling panahon ay magkakaroon na ng linaw sa dahilan ng pagbagsak mg FA-50 fighter jet sa Bukidnon na ikinamatay ng dalawang piloto.
Sa ambush interview kay Philippine Air Force Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, sinabi nitong narekober na ang fligh data recorder ng bumagsak na eroplano at ito ay dadalhin sa mga eskperto upang suriin at imbestigahan.
Ayon kay Castillo, naglalaman ito ng lahat ng flight data gaya ng altitude, air speed, at makikita rin kung nagkaproblema ang eroplano.
Sa ngayon, nasa crash site na ang mga imbestigador ng Philippine Air Force upang imbestigahan ang aksidente.
Kabilang sa mga titingnan ang general area, mga parte ng bumagsak na eroplano, lagay ng panahon nang mangyari ang aksidente, at ang kalusugan ng mga piloto. | ulat ni Diane Lear