Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na graft kay dating Pagsanjan, Laguna Mayor Jeorge “ER” Ejercito Estregan dahil sa paggawad ng kontrata sa hindi lisensiyadong insurance company.
Sa desisyong akda ni Associate Justice Ricardo Rosario, hinatulang guilty ng SC First Division sina Ejercito at Marilyn Bruel na may-ari ng First Rapid Care Ventures sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nahatulan sila ng walong taong kulong at permanente na ring binawalan sa anumang public office.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng United Boatmen Association of Pagsanjan na inakusahan si Ejercito at ilang opisyal na iginawad ang kontrata sa FRCV nang hindi na dumaan sa public bidding. | ulat ni DK Zarate