Sinabi ni Batangas Rep. Gerville Luistro, isa sa miyembro ng House Prosecution panel na nanantiling “challenge” para sa kanila ang paghahanda sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang ambush interview sinabi ni Luistro na bagaman mahirap pagsabayin ang pangangampanya sa impeachment preparations bahagi ito ng kanilang constitutional duty na dapat harapin.
Giit niya, ito ang kanilang tungkulin na dapat nilang harapin lalo na ngayon na “in full swing” ang impeachment preparation.
Sa ngayon inihayag ng mambabatas na “weekly” na ang pagpupulong ng prosecution panel para sa nalalapit na paglilitis. | ulat ni Melany V. Reyes