Nagpaabot na rin ng pagbati at papuri si House Speaker Martin Romualdez para kay Alex Eala sa kaniyang nakakabilib na performance sa 2025 Miami Open.
Ayon sa House leader ang buong Pilipinas ay nagbubunyi sa ipinakitang husay ni Eala na nagawang matalo ang world-class tennis players na sina Madison Keys, Jelena Ostapenko at pinakahuli si Iga Świątek
Sabi ni Romualdez ipinapakita nito ang kakayanan ng atletang Pilipino na makipagsabayan sa global stage.
Ipinakita rin aniya ni Eala ang pagsusumikap na magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na mangarap ng matayog.
“Sa bawat palo ng raketa ni Alex, dala niya ang pangarap ng bawat Pilipinong nagnanais magtagumpay sa larangan ng palakasan. Siya ay isang buhay na patunay na ang talento at sipag ay maaaring magdala sa atin sa tagumpay,” sabi pa ni Romualdez.
Hindi lang din aniya basta umukit ng kasaysayan si Eala dahil gumawa rin aniya siya ng daan para sa iba pang Filipino tennis players na makaabot sa international arena
“We stand united in cheering for Alex as she advances further in the tournament. May she continue to play with the same passion and determination that has brought her this far. The whole country is behind her, praying for her continued success.” Dagdag pa niya. House Speaker, nakiisa sa pagpapaabot ng pag-bati sa makasaysayang laban Alex Eala sa Miami Open.
Nagpaabot na rin ng pagbati at papuri si House Speaker Martin Romualdez para kay Alex Eala sa kaniyang nakakabilib na performance sa 2025 Miami Open.
Ayon sa House leader ang buong Pilipinas ay nagbubunyi sa ipinakitang husay ni Eala na nagawang matalo ang world-class tennis players na sina Madison Keys, Jelena Ostapenko at pinakahuli si Iga Świątek
Sabi ni Romualdez ipinapakita nito ang kakayanan ng atletang Pilipino na makipagsabayan sa global stage.
Ipinakita rin aniya ni Eala ang pagsusumikap na magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na mangarap ng matayog.
“Sa bawat palo ng raketa ni Alex, dala niya ang pangarap ng bawat Pilipinong nagnanais magtagumpay sa larangan ng palakasan. Siya ay isang buhay na patunay na ang talento at sipag ay maaaring magdala sa atin sa tagumpay,” sabi pa ni Romualdez.
Hindi lang din aniya basta umukit ng kasaysayan si Eala dahil gumawa rin aniya siya ng daan para sa iba pang Filipino tennis players na makaabot sa international arena
“We stand united in cheering for Alex as she advances further in the tournament. May she continue to play with the same passion and determination that has brought her this far. The whole country is behind her, praying for her continued success.” Dagdag pa niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes