Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang pagsisimula ng pangangampanya ng mga lokal na pambato ng LAKAS-CMD sa Leyte.
Aniya panahon ito para ipakita muli sa taumbayan ang klase ng liderato na tapat, subok, at may puso.
Paghimok niya sa mga kasamahan sa partido na tumatakbo, tiyakin ang isang malinis at positibong pangangampanya at ilatag ang kanilang mga nagawa na imbes na idaan sa personalidad o popularidad.
Kasabay nito, inihayag din ni Romualdez na ipapanalo ng LAKAS-CMD hindi lang sa Leyte kundi sa buong Region 8 ang buong senatorial slate ng administrasyon sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
“Garantisado po, mananalo sa Leyte at buong Eastern Visayas ang tiket ng Alyansa sa Bagong Pilipinas. Nandito ang suporta ng ating mga kababayan. Buo ang tiwala ng Region 8 sa platapormang pagbabago at pagsusulong ng Bagong Pilipinas,” saad niya.
Si Romualdez ang pangulo ng partido siyang dominant majority party ngayong mid-term elections.
Mayroong kabuuang 6,118 na kandidato ang partido kabila sina Alyansa senatorial bets Sen. Bong Revilla at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes