May mga sumulat sa Commission on Election na humihiling na ilagay ang kanilang lugar sa COMELEC control.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, mismong mga politiko o mga kalaban ng nakaupo sa pwesto at ordinaryong residente ang humihiling na isailalim ang kanilang lugar sa COMELEC Control para sa mas mahigpit na seguridad ngayong panahon ng kampanya para sa Halalan 2025.
Base sa imbestigasyon ng komisyon, may mga dapat na mailagay na lugar sa red category at may mga area rin aniya na dapat ibaba ang kategorya dahil wala aniya ritong naitatalang insidenteng ng karahasan.
Gayunman, nilinaw ni COMELEC Chairman Garcia na manggagaling lamang ang rekomendasyon para sa COMELEC control ay mula sa security forces tulad ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Sa ngayon nasa 38 na lugar sa bansa ang nasa ilalim ng Red Category, 32 dito ay mula sa BARMM. | ulat ni Don King Zarate