Anim na taon matapos ianunsyo ng noo’y dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtiwalag ng Pilipinas sa International Criminal Court, ilan sa progressive solons ang nanawagan sa administrasyong Marcos Jr. na muling bumalik ang bansa sa Rome Statute.
Ayon kay House Deputy Minority Leader France Castro, ipinapakita ng paglilitis ng ICC kay FPRRD ang kahalagahan ng international body na ito lalo na para sa mga biktima ng madugong giyera kontra iligal na droga.
Dito, nabigyan aniya ng due process ang dating presidente, bagay na ipinagkait sa mga biktima ng EJK.
“The ICC has shown that it respects due process, giving the former president legal representation and the opportunity to defend himself—the very rights denied to thousands of victims of extrajudicial killings under his administration,” ani Castro.
Giit pa niya na ang ICC ay katuwang ng ating bansa sa pagpapatupad ng tunay na hustisya.
“Kailangang bumalik ang Pilipinas sa ICC hindi lamang para sa mga biktima ng drug war, kundi para na rin sa iba pang biktima ng EJK at para sa lahat ng mamamayang Pilipino. Ang ICC ay hindi kalaban ng ating soberenya kundi katuwang sa pagpapatupad ng tunay na hustisya,” dagdag niya.
Naniniwala naman si Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na ang muling pagsali ng Pilipinas sa ICC at ang paglilitis ng international tribunal sa dating pangulo ay magsisilbing babala sa mga lider bago apakan ang karapatang pantao.
Para naman kay Assistant Minority Leader Arlene Brosas, na ang muling pagsali ng Pilipinas sa ICC ay patunauy ng pagbibigay halaga sa karapatang pantao.
Ngunit kailangan din aniya ng pamamaraan dito sa bansa para mapanagit ang mga lalabag dito.
“Rejoing the ICC is crucial, but equally important is strengthening our own justice system. The culture of impunity persists because perpetrators of violence, especially those in positions of power, are rarely held accountable. We need institutional reforms that will ensure justice for all victims regardless of who the perpetrators are,” ani Brosas. | ulat ni Kathleen Forbes