Nanawagan si House Deputy Majority leader at Iloilo Representative Janette Garin ng pagkakaisa sa gitna ng mainit na diskusyon at hidwaan sa social media kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Garin, naiintindihan niya ang matinding palitan ng opinyon at salungat na pananaw ng mga Pilipino sa social media.
Ngunit iginiit niyang mas mahalaga pa rin ang pagkakaisa ng sambayanan kaysa sa pulitika.
Binigyang-diin din ng kongresista ang kahalagahan ng paglalatag ng mga katotohanan sa gitna ng kumakalat na fake news o maling impormasyon, gaya ng naranasan noon sa isyu ng Dengvaxia.
Sa huli, umaasa si Garin na bababa rin ang emosyon ng taumbayan at manunumbalik ang respeto at pagkakaisa sa kabila ng magkakaibang paniniwala.
Ang dapat niyang gawin ng mga suporters ay ipanalangin ang dating pangulo upang maging handa ang kanyang depensa sa ICC. | ulat ni Melany V. Reyes