Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang pakikiisa sa pagdiriwang ng milyon-milyong Pilipinong Muslim at sa buong komunidad ng Islam sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan ngayong Lunes.
Ayon kay Speaker Romualdez ang Eid’l Fitr ay isang paalala ng pagkakaisa, malasakit at pagbibigayan—mga katangiang nagbubuklod sa sambayanang Pilipino anoman ang paniniwala at pananampalataya.
Umaasa rin ang House leader na sa pagtatapos ng Ramadan ay magdala ito ng kapayapaan, kasaganaan, at biyaya mula sa Maykapal.
“As we mark the joyous occasion of Eid’l Fitr, I extend my warmest greetings to our Muslim brothers and sisters across the country. This is a time of thanksgiving, reflection and renewal of faith, as we celebrate the successful completion of the Holy Month of Ramadan,” ani Speaker Romualdez.
Kasabay nito ay siniguro ng lider ng Kamara ang suporta ng Kongreso sa mga panukalang makakatulong sa Filipino Muslim bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa pag-unlad ng bansa.
“Our Muslim communities play a vital role in shaping our nation’s future. Your commitment to peace, progress and nation-building is deeply valued. As we continue working towards an inclusive and harmonious society, let us recognize the contributions of our Muslim brothers and sisters in fostering economic growth, cultural richness and national unity,” dagdag pa niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes