Pinalagan ni Akbayan Rep. Perci Cendaña ang pahayag ni dating Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sakaling pumanaw ang dating Pang. Rodrigo Duterte ay maghahatid ito kay VP Sara Duterte sa pagiging pangulo.
“The camp of Rodrigo Duterte should stop likening him to Ninoy Aquino and his family, as well as the absurd notion that his supposed death could secure his daughter’s place in Malacañang. Hindi lang sila masyadong advance mag-isip, delusional pa. A mass murderer’s death does not make a president—lalo na kung ang iniwang pamana ay dugo, pagtataksil, at kawalan ng pananagutan,” ani Cendaña.
Ayon kasi kay panelo kapag ang isang kilalang tao ay namatay gaya ng presidente ay nagbubunga ito para umangat ang kaniyang kaanak o anak.
Gaya na laman umano nang sumakabilangbuhay si dating Pangulong Cory Aquino.
Kahit walang ambisyon na mag presidente, ay naging pangulo si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Tinawag ni Cendaña na ‘delusional’ ang pahayag na ito.
Diin pa ng mambabatas na hindi dapat ginagamit na political strategy ang posibleng pagpanaw ng dating pangulo bagkus ay harapin ang pananagutan at hustiysa.
“If the Duterte camp believes their brand of leadership-by-body-count will be rewarded with political sainthood, they are sorely mistaken. No amount of historical cosplay will turn a dynasty of executioners and traitors into democracy’s torchbearers. Instead of indulging in twisted fantasies about Duterte’s death as a political strategy, his camp should face the reality that justice is coming—cold, impartial, and unshaken,” diin pa ng partylist solon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes