Ipinag-utos ng Korte Suprema sa pamunuan ng Dakak Beach Resort Corporation at kay Romeo Jalosjos na lisanin ang mahigit 1,602-sqm na property sa Dapitan City, Zamboanga del Norte na inuupahan nila sa loob ng 20 taon.
Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, pinagbabayad din ang Dakak at si Jalosjos ng mga hindi nabayarang upa, at danyos na nagkakahalaga ng PHP 1.5 milyon.
Napag-alaman na pinaupahan ni Violeta Saguin de Luzuriaga ang kanyang lupa sa Dakak, na kinakatawan ni Jalosjos, sa ilalim ng 10-taong kasunduan.
Sa ilalim ng kontrata, anumang permanenteng istrukturang itatayo ay magiging pagmamay-ari ni Luzuriaga pag natapos na ang kanilang pag-upa. | ulat ni Don King Zarate