Aminado si dating Senador Ping Lacson na debatable pa kung masasakop ng legislative immunity si Sen. Bato Dela Rosa, sakaling matuloy ang paglalabas ng warrant ng International Criminal Court.
Ayon kay Lacson, pasok lang ang immunity kung naka sesyon ang Kongreso at ang kasong kinakaharap ay may parusa na mas mababa sa anim na taon.
Bukod dito, international din kung sakali ang ilalabas na warrant para sa kaniya.
“Choice nya ‘yan. But to seek refuge sa Senado mukhang debatable ang sinasabi ko limitado ang legislative immunity ng members ng Congress. In session lang at less 6 years penalty at ito international ang warrant if lalabas,” paliwanag ni Lacson.
Una nang sinabi ni Sen. Dela Rosa na balak niyang magtago sakaling ipaaresto na sya ng ICC.
Pero pababahagi ni Lacson, hindi ganoon kadali ang pagtatago.
Matatandaan na nagtago noon ng halos isang taon matapos madawit sa Dacer-Corbito murder case.
Giit ni Lacson, mukha ang Malaki ang bilangguhan mo ngunit limitado pa rin ang lugar na ginagalawan.
“Mahirap kasi lumaki lang ang kulungan mo pero para ka ring nasa kulungan kasi hindi ka libreng gumala di ba,” aniya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes