Abot sa kabuuang 1,944 4Ps beneficiaries ang lumahok sa Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas Job Fair sa Sta. Rita, Samar noong Biyernes, March 14, 2025.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, humigit-
kumulang 3,000 employment slots ang ini-alok ng 10 local employers at tatlong recruitment agencies.
Limang benepisyaryo ng 4Ps na natanggap on-the-spot ang magkakamit ng pre-employment assistance na napapailalim sa assessment ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.
Ang mga job applicant ay lumahok sa pre-employment orientation mula sa mga kasosyong ahensya para matulungan silang maghanap ng trabaho.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P3,000 cash aid sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Nilalayon nito upang matulungan silang masiguro ang kanilang mga kinakailangan bago ang trabaho. | ulat ni Rey Ferrer