Inihayag ni Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte na mas higit na ang papel ng mga local government executives sa pagpopondo, at pagpapatupad ng mga pangunahing proyekto pangsocio-economic sa kani-kanilang mga rehiyon sa pamamagitan ng bagong Executive Order (EO) No. 82.
Ayon kay Villafuerte, ito ay dahil nakita mismo ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr., na dating dating bise-gobernador at gobernador ng Ilocos Norte—ang pangangailangang bigyan ng mas malaking papel ang mga opisyal ng LGU sa pagpili at pagpapatupad ng mahahalagang programang pangkaunlaran.
Sa pamamagitan ng EO 82, pinalakas ng Pangulo ang Regional Development Council o RDCs para iexpand ang membership i- empower sila bilang top planning and policymaking Councils for socioeconomic development programs and project
Dagdag pa niya, ang RDCs na ngayon ang magsisilbing pinakamataas na institusyon sa pagpaplano at paggawa ng polisiya para sa kaunlarang panrehiyon.
Ang mga proyekto ay dapat alinsunod sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 na naglalayong pabilisin at gawing mas sustainable ang paglago ng ekonomiya sa mga rehiyon. | ulat ni Melany Reyes