Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kahalagahan ng maayos na relocation sites para sa mga inilikas na komunidad dulot ng sakuna o malalaking proyekto gaya ng imprastraktura.
Kaya naman isinusulong ni Tolentino ang kanyang adbokasiya na mabigyan ng disenteng pabahay at relocation sites ang mga inililikas na komunidad.
Giit ng senador, hindi sapat na ilikas lang sila mula sa mga hazard zones tungo sa mga ligtas na lugar.
Dapat rin aniyang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa paglilipatan nilang mga komunidad.
Tulad aniya sa mga proyekto ng senador na paggawad ng housing units para sa 450 pamilyang inilikas mula sa pagputok ng bulkang Taal noong 2020 na binuksan sa talisay, batangas noong 2023.
Doon aniya ay mayroon nang paaralan at barangay na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.
Ibinahagi rin ng senador na mayroon syang kahalintulad na proyekto para sa mga residente ng Barangay Mauraro, Guinobatan, Albay; Cagayan de Oro; at Manggahan floodway sa Pasig. | ulat Nimfa Asuncion