Pinag-aaralan na ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB ang paggamit ng mga magagaan na uniporme para sa kanilang mga traffic enforcer ngayong mainit na panahon.
Ayon kay MTPB Chief Toti Diokno, isa ito sa mga naiisip nilang paraan upang maibsan ang nararanasang mainit na panahon ng kanilang mga enforcer na nagtatrabaho sa kalsada.
Sinabi ni Diokno na partikular nilang pinag-aaralan ang pagpapagawa ng mga bagong light material na uniporme gaya ng mga tactical shirts o ung gawa sa sublimation upang mas maging kompoetable ang mga enforcer sa paggampan ng kanilang tungkulin kahit na mainit ang panahon.
Pinagaaralan din nila ang pagbili ng mga karagdagang bull cap o sombrero para sa mga enforcer gayundin ng mga traffic vest.
Sa kasalukuyan ay mayroong ginagamit na polo na uniporme ang mga enforcer ng MTPB na ayon sa ilan sa kanila ay mainit suotin.
Mayroon din naman silang mga sublimation uniform ngunit itoy luma na o kupas na.
Sa ngayon ay mayroong higit 800 traffic enforcer ang MTPB. | ulat ni Don King Zarate