Nakuha na ang mga labi ng dalawang piloto ng bumagsak na FA-50 Fighter Jet sa Bukidnon noong Martes ng gabi, March 4.
Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperson LtCol. Francisco Garello, dadalhin ang mga labi sa munipyo ng Pangatucan, Bukidnon at saka daldalhin sa Lumbia, Cagayan De Oro.
Samantala, sa hiwalay na panayam kay Philippine Air Force Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo sa Kampo Aguinaldo, sinabi nitong nakatakdang dahil sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Ito ay para sa inihahandang pagbibigay ng parangal sa mga bayaning sundalo.
Nagpapatuloy ngayon ang forensic investigation at iba pang uri ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
Tiniyak naman ng Philippine Air Force na walang kikilingan sa gagawing imbestigasyon sa nangyaring aksidente. | ulat ni Diane Lear