Kailangan nang may maaresto at mapakulong na nagpapakalat ng fake news o fake content.
Ito ang binigyang diin ni Alyansa senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay sa pulong balitaan sa Cavite.
Giit niya, hangga’t walang napapakulong na fake news peddler ay iisipin nilang makakatakas sila sa pananagutan.
Kaya kailangan aniya maghigpit sa enforcement.
Kasama naman sa top 10 na panukalang batas na balak ihain ni dating Senador Tito Sotto ang panukala laban sa fake news at fake content.
Katunayan, nakahanda na aniya ang panukala niya na layon ding magpataw ng parusa para sa mga gumagawa ng pekeng balita.
Sinangayunan ito ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo.
Hindi lang ang gobyerno ang nagiging biktima nito.
Katunayan may mga indibidwal na dumudulong sa kanilang action center dahil nabiktima sila ng mga gawa-gawang kwento online.
Babala pa niya hindi malayo na isa sa mga araw na ito ay magiging biktima din tayo ng fake news kung walang magiging batas para mapigil ito.
Hirit pa niya dapat pati ang nagshe-share ng fake news ay panagutin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes