Sinita ng Commission on Elections ang isang bookstore na naglagay ng signage na ‘election materials essential ’ sa isa nilang branch.

Ayon sa COMELEC, nakababahala ito lalo’t kasama sa sinasabing election essential ang ampaw o money at coin envelope.

Posible umanong ma-misinterpret ito at maganit sa pamimili ng boto ngayong panahon ng kampanya.

Dahil dito, inalis na ng naturang bookstore ang signage at nakipag-ugnayan na rin daw sila sa lahat ng branch.
Siniguro naman ng bookstore na susunod sila sa patakaran ng poll body.
Wala rin daw silang intensiyon na gamitin ang ginawang marketing para mag-endorso ng vote buying. | ulat ni Don King Zarate