Matapos ang ilang linggong oil price rollback, mararamdaman bukas ang bawi sa presyuhan ng langis.
Ayon sa kumpanyang UniOil, tataas ang presyo ng kada litro ng Diesel ng ₱0.20 hanggang ₱0.40.
Habang sa Gasolina, inaasahang ang ₱0.80 to ₱1.00 per liter.
Una na ring nag paalala ang Department of Energy na tataas din ang presyo ng kerosene ng nasa 10 to 30 cents kada litro.
Paliwanag ng ahensya ang naturang pag galaw ay dulot ng ilang pandaigdigang kaganapan.
Kabilang dito ang tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan matapos ang pagsalakay ng US sa Houthi rebels, ang pagpapalabas ng fiscal stimulus ng Beijing upang pasiglahin ang ekonomiya, at ang pagbaba ng fuel inventories sa Amerika. | ulat ni Lorenz Tanjoco