Bukas inaasahan na matatapos na ang pag-iimprenta ng lahat ng balota na gagamitin sa 2025 midterm election o aabot sa 69 milyong balota.
Inimbitihan pa ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang media na saksihan ang huling araw sa pag-iimprenta sa National Printing Office sa Quezon City.
Sinabi ni Garcia mas maaga silang natapos kumpara sa itinakdang deadline.
Kalahati sa ng printed balltos ay na-verify na.
Samantala bukas, isasabay na rin ang pagsira sa 6 na milyong balota na hindi magagamit.
Ito yung mga nauna nang ma-imprenta ng COMELEC pero hindi rin mapapakinabangan dahil sa mga inilabas na temporary restraining order ng Korte Suprema sa mga disqualification ng ilang kandidato. | ulat ni Don King Zarate