Ang pagpapababa o tuluyang pag-alis sa fuel excise tax ang isa sa solusyong naiisip ni Alyansa senatorial bet at dating DILG Sec. Benhur Abalos para makaakit ng mga mamumuhunan sa bansa.
Sa pulong balitaan sa Trece Martires, Cavite, ang mga pambato ng administrasyon kung ano ang maaari nilang gawin para maparami ang trabaho sa Cavite.
Aabot sa 55 economic zone at industrial estate sa ilalim ng PEZA ang nasa Cavite.
Aniya, sa paraang ito ay mas mapapababa ang singil sa kuryente at mas maeengganyo ang mga negosyante na magbukas ng kompanya sa Pilipinas na makakalikha naman ng mga trabaho para sa mga Pilipino.
Punto niya isa sa mga nagiging hamon sa pagiging competitive ng ating bansa partikular sa sektor ng manufacturing ay ang mataas na singil sa kuryente.
Tinukoy pa niya kumpara sa Metro Manila na P11 kada kilowatt hour ang singil, sa mga probinsya na umaasa sa diesel-powered generator ay pumapalo ng P17 hanggang P19 kilowatt-hour.
“Kung aalisin mo ang buwis sa fuel na ginagamit exclusively for power generation, bababa ang presyo ng kuryente. At kapag bumaba ang presyo ng kuryente, papasok ang manufacturing firms — ibig sabihin, trabaho para sa mga Pilipino. Kung gusto mong dumami ang trabaho, kailangan marami kang factories, marami kang negosyo. Kaya ito ang sinasabi ko pa noong 2005 — tutol ako sa VAT sa kuryente,” punto ni Abalos.
Bukod sa mjrang kuryente kailangan din aniya ito sabayan ng pagkakaroon ng business-friendly climate sa pamamagitan ng digitalization at ease of doing business. | ulat ni Kathleen Jean Forbes