Magtutuloy-tuloy ang pag harap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ginawa ang pahayag kasunod ng mga panawagan na ibalik sa Pilipinas ang dating pangulo.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, done deal na ito dahil nasa Netherlands na si dating Pangulong Duterte.
Binigyang-diin ni Remulla na mismong ang dating Pangulong Duterte na ang nagsabi na handa niyang harapin ang mga kaso sa ICC. | ulat ni DK Zarate