Hindi titigil ang Department of Justice (DOJ) sa pagpapapangot sa mga mapapatunayang responsable sa mga pag-patay sa ilalim ng War on Drugs ng Duterte Administration.
Ito ayon kay Justice Asec Mico Clavano ay kahit pa magsisimula na ang International Criminal Court (ICC) sa paglitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na tuloy ang paglikom nila ng mga ebidensya hingil sa war on drugs, laban sa mga pulis at iba pang opisyal na umano’y umabuso sa kapangyarihan sa ilalim ng War on Drugs.
Marami na aniya silang na-imbestigahan na umano’y police abuses.
Tuloy rin aniya sila sa paghahain ng reklamo at pagtitiyak na ang mga maaakusahan ay mabibigyan ng due process, at mananagot ang mga mapapatunayang may sala.
Sabi ni Clavano, ang hakbang na ito, sumasalamin lamang sa gumaganang justice system ng Pilipinas.