Inaasahang magbibigay ginhawa sa mga entrepreneurs, negosyante at mga small business owners ang pagsasanib-pwersa ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Department of Trade and Industry (DTI) noong nakaraang lingo.
Sa eksklusibong panayam ng Radyo Pilipinas kay DTI Assistant Secretary Atty. Kris Ablan, ipinaliwanag nito na ang naging hakbang ng naturang ahensya ng pamahalaan ay pagtalima lamang sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-digitized na ang lahat ng transaksyon sa pamahalaan.
Ayon kay Asec. Ablan, bukod sa mas pinaigting na pagpapatupad ng Ease of Doing Business Law sa bansa ay layunin nitong mas mapadali pa ang proseso ng pagpaprehistro ng negosyo at upang mabawasan na paper at documentary requirements na karaniwang hinihiling sa mga nais magsimula ng kanilang negosyo.
Dagdag pa ni Ablan na magama’t hindi pa perpekto ang sistema ay umaasa ang DTI na magiging maaayos din ito sa lalong madaling panahon upang tunay na makatulong sa mga entrepreneurs at small business owners na hindi na kailangan pang maghintay ng ilang oras at araw upang maiproseso at makompleto ang lahat ng mga kinakailangan sa pagsisisimula ng kanilang negosyo. | via Rigie Malinao