Nais ni Cong. Brian Yamsuan na aktibong makibahagi ang mga Pilipino sa legislative process sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga panukala sa pamamagitan ng digital platforms.
Aniya, mas madaling matutukoy ng Kongreso ang pangangailangan ng publiko at kanilang mga hinaing kung makukuha ang kanilang mga sentimyento,
Magsisilbi aniya itong dagdag input sa mga ginagawang pag-dinig ng mga komite lalo na para sa mga apektadong sektor.
“Our goal is to strengthen people’s participation in the legislative process. Through technology, we can democratize the way we craft laws. Maari ng makilahok ang ating mga mamamayan sa pagbalangkas ng batas.” Ani Yamsuan.
Sa ilalim ng House Bill 303, bubuo ang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) ng sang online platform kung saan maaari simulant ng publiko ang pagkampanya o pagpetisyon para sa pagrepaso, pagbuo at pag amyenda ng isang batas.
Oras na makakuha ng 300,000 na verified na pirma, ay obligado ang PLLO na isumite ito sa chairperson ng mga kinauukulang komite ng Senado at Kamara.
Ilan naman aniya sa mga bansa na may ganitong proseso ang Brazil, Finland at Iceland. | ulat ni Kathleen Jean Forbes